Mga first job stories ng students ko (with permission, names changed)
Contents
Mga kapatid, madalas akong tanungin "Kuya, totoo ba na may nahi-hire kahit walang CS degree / kahit taga-probinsya / kahit matanda na?" Kaya nag-ask ako sa ilang students ko kung pwede kong i-share yung stories nila. Pumayag sila, pinalitan ko lang yung names.
Joy, 27, call center agent for 6 years
Nag-aaral siya ng HTML at CSS ng 4am pagkatapos ng shift niya. Walong buwan. First job: WordPress developer sa isang Australian agency, ₱35k a month, remote. Ang sabi ng hiring manager sa kanya: yung English at pasensya niya sa clients ang dahilan kung bakit siya yung pinili. Six years ng angry customers, naging superpower pala.
Paolo, 22, IT grad from a province school
160 applications. 7 interviews. First job: QA tester sa Cebu IT Park, ₱18k. Hindi dev, pero after 10 months nag-internal transfer siya sa dev team kasi siya yung pinakamaraming alam sa bugs ng system. Foot in the door, mga kapatid.
Liza, 34, nanay of two
Nag-aaral pag tulog na yung mga anak. Nagsimula sa OnlineJobs.ph, Shopify edits sa $5 an hour. Ngayon $12 an hour na, long-term client. Ang sikreto niya: maliit na trabaho, laging on time, laging may maayos na update sa client. Yung reviews ang nagpataas ng rate niya.
Mark, 19, walang degree
Tatlong projects. Isa doon, jeepney route finder para sa barangay nila, simple map lang at listahan ng routes. Pero ginagamit talaga ng mga kapitbahay niya. Na-hire siya ng local startup, ₱22k, kasi yung CTO nila taga-roon din at gumamit pala ng app niya.
Ano ang pareho sa kanilang apat?
- Lahat sila nag-ship ng totoong bagay, hindi lang tutorial projects.
- Lahat sila nag-apply ng marami, at na-reject ng marami.
- Walang naghintay na maging "ready". Nag-apply sila habang natututo pa.
Comment niyo yung first job story niyo, kahit hindi tech. Gusto kong mabasa 🇵🇭💪
Get the best of #remote_life weekly
One email each Monday with the most useful posts. No spam; unsubscribe in one click.
Comments
Sign in to join the conversation.
Sign in to comment