Paano ko nakuha ang una kong remote job (2017, ₱25k a month, at mali halos lahat ng ginawa ko)
Contents
2017. Cebu. Dalawang buwan akong nag-a-apply sa OnlineJobs.ph at Upwork. 83 applications. Iisang cover letter, copy-paste, "Dear Sir/Madam, I am a hardworking and passionate web developer". Zero replies. As in zero.
Ano ang nagbago
- Tinigil ko yung generic na cover letter. Bawat application, 4 na linya lang, pero specific sa job.
- Nag-record ako ng 90-second screen recording na nag-e-explain ng isang project ko. Noon, bihira pa ang gumagawa nito.
- Inayos ko yung portfolio: isang totoong project (yung utang list ni Tita Nena, version 2, hindi na pink) imbes na limang tutorial clones.
Ito yung template na ginamit ko, at binibigay ko pa rin sa students ko:
Hi (name), I saw you need someone to (exact task from the post). Last month I built (similar thing) for (real user), here is the live link: (link). I'm available (hours in THEIR timezone). Happy to do a small paid test task first.
Pang-17 na application gamit ang bagong approach, may sumagot. Australian agency, WordPress at jQuery, ₱25k a month. Iyak ako ng iyak. Si Mama din.
Mga mali ko (para hindi niyo na gawin)
- Walang written contract. "Chat lang" yung usapan. Nung lumaki yung scope, wala akong mapanghawakan.
- Underpriced. Kinuha ko yung unang offer. Hindi ako nag-counter kahit konti.
- AU hours plus extra. Nagtatrabaho ako ng 7am-4pm nila tapos sinasagot ko pa yung messages hanggang hatinggabi. Burnout in 6 months.
- Remittance na sobrang taas ng fees. Halos 8% ang nawawala kada sweldo bago ko natutunan ang mas murang options.
- Hindi agad nagparehistro sa BIR. Seryoso, mga kapatid. Magparehistro kayo bilang freelancer at mag-file. Mas mahal ang penalty kesa sa effort.
Kung ako ngayon
- Written contract na may scope, rate, payment schedule, at kung paano ang revisions.
- Itanong ang budget bago magbigay ng rate.
- I-compare ang Wise, Payoneer at bank transfer bago pumili.
- Mag-raise ng rate every 6 months, kasama ang listahan ng na-deliver mo.
Para sa international job side, maganda itong guide na to:
Kung kaya ko noon na walang alam, kaya niyo ngayon na may roadmap na 💪🇵🇭
Get the best of #remote_life weekly
One email each Monday with the most useful posts. No spam; unsubscribe in one click.
Comments
Sign in to join the conversation.
Sign in to comment