Paano lumabas sa tutorial hell (from someone who lived there for 2 years)
Limang bagay na ginawa ko para makaalis, at sinasabi ko pa rin sa mga students ko hanggang ngayon.
Contents
Mga kapatid, real talk muna. Bago pa ako naging "Kuya Migs" sa YouTube, dalawang taon akong stuck sa tutorial hell. Na-finish ko yata lahat ng "build a todo app" na video sa internet. Pero pag binuksan ko na yung blank na VS Code, wala. Blangko. Parang exam na hindi ka nag-review.
Kaya ito yung mga ginawa ko para makaalis, at ito rin yung sinasabi ko sa mga students ko ngayon.
1. Yung 20-minute rule
Pag nanonood ka ng tutorial, every 20 minutes i-pause mo at i-type mo from memory yung huling ginawa. Hindi copy-paste. Hindi rewind. Kung hindi mo kaya, ok lang, rewind ka ng konti. Pero ang goal ay pilitin yung utak mo na mag-recall, hindi lang manood.
2. Isang tutorial, isang twist
Natapos mo yung todo app? Wag ka munang lumipat sa susunod na video. Dagdagan mo ng isang feature na wala sa tutorial: due date, filter ng done, o i-save sa localStorage para hindi mawala pag ni-refresh. Doon ka talaga matututo, kasi wala nang tutorial na sasalo sayo.
// halimbawa: yung "twist" ko sa todo app, save sa localStorage
const saved = JSON.parse(localStorage.getItem('todos') ?? '[]');
const todos = [...saved];
function addTodo(text) {
todos.push({ text, done: false, createdAt: Date.now() });
save();
}
function save() {
localStorage.setItem('todos', JSON.stringify(todos));
}
3. Gumawa ng bagay na kailangan ng tao sa paligid mo
Yung una kong totoong project: listahan ng utang sa sari-sari store ng tita ko. HTML, CSS, konting JS, localStorage. Pangit yung design, pink pa (request ni Tita), pero araw-araw ginamit ni Tita Nena. Mas marami akong natutunan doon kesa sa 40 tutorials, kasi siya mismo nagsasabi kung ano yung sira.
4. Basahin ang error bago maghanap ng bagong video
Pag na-stuck ka, ang instinct ay maghanap ng ibang tutorial. Mali. Basahin mo yung error message. Buong error message, pati yung line number. 70% ng sagot nandun na. Yung natitirang 30%, MDN at Stack Overflow.
5. Tanggapin na pangit yung una mong code
Lahat ng senior dev na kilala ko may pangit na unang project. Ang kaibahan lang, tinapos nila.
Kung kaya ko, kaya mo 💪🇵🇭 Comment kayo kung anong project ang ginagawa niyo ngayon, babasahin ko lahat.
Written by
Kuya Migs
Miguel Villanueva. Taga-Cebu. I teach web dev in Taglish on YouTube para sa mga Pinoy na walang pang-bootcamp 🇵🇭 1.2M subs, 300+ free tutorials. Kung kaya ko, kaya mo.
Get the best of Dynamo Geeks weekly
One email each Monday with the most useful posts. No spam; unsubscribe in one click.
Comments
Sign in to join the conversation.
Sign in to comment